Linggo, Marso 4, 2012

Talambuhay


                                                           
Ako si Ma.Reinalyn Tubigan. Isinilang ako noong July 28, 1997, sa Brgy. Sto Anghel San Pablo City. Hindi naman talaga dapat ako doon isisilang, kaya lang nagdiriwang ng kaarawan ang ate ko sa bahay namin. Kaya dinala na lamang ang mommy ko sa isa pa naming bahay upang doon na lamang manganak. Hindi kami kambal ng ate ko, pero pareho ang buwan at araw ng kapanganakan namin. Isinilang ang ate ko noong July 28, 1996. Unang kaarawan niya ng manganak ang mommy ko. Kaya habang nagdiriwang ng kaarawan ang ate ko, ayun naman ang araw na isinilang ako. Nakakatuwa mang isipin , maraming tao ang nagtataka kung bakit pareho ang petsa ng kaarawan namin. Pareho kaming July 28, ngunit magkaiba ng taon.
Pinag-aral kami sa iisang paaralan. Ito ay ang San Diego Elementary School. Dito ko natutunan ang pakikisama sa kapwa at pagpapamalas ng aking kakayahan. Naging mahiyain ako sa aming paaralan, ngunit hindi ito naging hadlang sa pagiging masayahin ko. Naaalala ko pa noong grade 1 ako, inililihim ko sa magulang ko na hindi ako nagpapacheck ng assignment ko sa teacher ko. Ako mismo ang nagchecheck ng aking papel upang magkunyari. Hindi ko naman alam na halata pala ng daddy ko na sa aking sulat iyon. Natatawa na lamang ako tuwing naaalala ko ang ginawa ko noon.
Naging achiever ako simula grade 2 hanggang grade 6. Sumasali ako simula grade 4 sa pagsasayaw. Nagkaroon ng kompetisyon sa aming  barangay sa pagsasayaw ng “ballroom”. Ilang Linggo rin kaming nag-ensayo para manalo sa pagsasayaw. Nakamit ko naman ang pwesto sa pagiging 3th placer. Ginawa ko ang lahat para manalo, dahil sa mismong araw ng kompetisyon ay nakaburol ang lola ko. Kaya sa kanya ko inialay ang nakamit kong premyo.
Ito ay noong 5 years old pa ako

Natatawa ako kapag naaalala ko noong 3 years old ako. Tuwing kumakanta ang daddy ko ng “Rosalinda”, bigla na lamang akong kekembot at sasayaw habang kumakaway yung kamay ko. Sobrang taba ko nga rin daw dati, at lumolobo ang leeg ko sa sobrang daming taba sa katawan ko. Hindi ko nga matandaan kung anong itsura ko noong baby pa ako. Tuwing pasko naman, nagsasama-sama sa bahay namin ang aming buong pamilya. Nagpapalitan ng regalo at nagbabatian tuwing “noche Buena” . Nagagawa ko pa ngang maniwala kay “Santa Claus”. Sinasabi ng mommy ko na magpakabait ako para matupad ang kahilingan ko. Nasosorpresa naman ako, dahil inaakala ko na binibigyan talaga ako ng regalo ni Santa. Ginagawa ko pa ngang matulog bago mag 12 ng hatinggabi, kasi sinasabi ng mommy ko na darating daw si Santa habang natutulog ako. Naaalala ko pa noon, ikinuwento ko sa mga pinsan ko na nakita ko ang kamay ni Santa Claus na naglalagay ng regalo. Hindi ko naman alam na naka costume lang pala ang tito ko para magpanggap na Santa. Ang saya-saya ko rin tuwing pasko , dahil natutuwa ako habang binibilang ko ang perang napamaskuhan ko sa ninong at ninang ko. May kinatatakutan pa nga akong ninong ko. Hindi ko talaga magawang makalapit sa kanya dahil nga natatakot ako. Pero tuwing pasko, palagi naman niya akong binibigyan ng pera , kahit hindi ako nagmamano sa kanya. Nagagawa ko pa ngang magtago sa ilalim ng upuan kapag pumapasok siya sa loob ng bahay namin at hinahabol ako habang umiiyak ako sa takot.
Natapos nga pala ang paniniwala ko kay Santa Claus ng mahuli ko ang mommy ko. May manika kasing bigay si Santa Claus. Tapos may nakita akong katulad noon habang naglalakad kami sa bayan. Sabi naman ng mommy ko, “ mas mahal ang bili naming ng daddy mo dyan sa manika mo”. Kaya nahuli ko na si mommy at daddy pala ang bumili nung manika at hindi pala galing kay Santa Claus. Inamin narin tuloy ng mommy ko na sila si Santa. Kaya simula noon, wala ng Santa Claus na nagbibigay ng regalo samin tuwing pasko, dahil nga nakilala ko na siya. Naiinggit na lamang ako sa mga pinsan ko habang nagbubukas sila ng regalo galling sa Santa Claus nila.
Sobrang iyakin ko daw noong bata pa ako. Kaya nagagawa ng daddy ko na ilabas ako ng gate kahit sobrang dilim na at iiwan na lamang ako sa labas. Palagi din naman akong inaamo ng lolo ko at kukuhanin ako sa labas ng bahay. Pagkatapos noon ay papagalitan ang daddy ko dahil nga inilalabas ako ng gate kahit gabi na. Sa  sobrang  yamot ng daddy ko ay nagagawa niya ang lahat ng iyon.
Noong nag-aaral ako sa San Diego Elementary School, pinaka paborito kong guro ay si Sir Marlon, dahil sobrang gwapo niya at mabango pa. Ginaganahan tuloy akong makinig sa klase tuwing siya ang nagtuturo. Hindi ko na nga matandaan kung anung araw siya nagalit, dahil bihira talaga siyang magsungit. Niloloko pa nga siya ng daddy ko na “bading”, kasi sobrang hinhin daw at ang linis sa katawan. Lagi akong kasali sa sayaw noong grade 5. Grade 5 din ako ng mamatay ang lola ko. Sobra akong nalungkot sa pagkawala niya dahil naging mabait na lola siya sa akin. Natutuwa ako tuwing naaalala ko ang pagtawag niya ng “Inalyn”. Naaalala ko rin na niloloko niya akong “punggok”, dahil maliit daw ako noong bata. Namatay siya ng hindi dumadaing sa kanyang mga anak. Kaya sobra akong lumuha sa biglaang pagkawala niya.
Ito ay noong bakasyon, kasal ng tito ko
Tuwing bakasyon, mas pinipili ko na lamang na mamalagi sa bahay kaysa magbakasyon sa ibang bahay. Ang mga pinsan ko naman ay nagbabakasyon sa aming bahay. Lagi tuloy hirap ang daddy ko, dahil palaging marami ang pinapakain niya. Tuwing sumasapit naman ang March, nagswiswimming ang buong pamilya namin at nagsasama-sama. Kaya excited na ako tuwing darating ang Marso , dahil ayun ang buwan na nagsisimula ng magdatingan ang mga magbabakasyon sa ming bahay. Naaalala ko pa noong 5 years old ako, nagwala ako sa swimming pool. Nagalit kasi ako sa tito ko dahil nabasa ang damit ko habang  nagswiswimming kami. Natatawa na lamang yung mga tao dahil sa akin.
Nag-aral ako ng mabuti, upang masuklian ko ang paghihirap ng magulang ko mapag-aral lamang kami ng ate ko. Naaalala ko pa noong bata ako, palagi na lamang akong umuuwi mag-isa dahil walang sumusundo sa akin sapagkat parehong may trabaho ang mommy at daddy ko. Palagi na lamang akong nasa kapitbahay pag-awas dahil wala akong kasama sa bahay. Umiiyak ako parati dahil naiinggit ako sa mga kaklase ko na nasusundo ng kanilang magulang. Hindi ko man maintindihan ang ginagawa nila noon, naiisip ko na ngayon na maswerte pala ako dahil parehong may hanapbuhay ang magulang ko.
Bago ako pumasok ng high school, kumuha muna ako ng test sa Dizon High para maging Science Section. Laking pasasalamat ko na lamang ng malaman ko na nakapasa pala ako sa exam. Nang nakarating na ako sa high school, kinaharap ko na kaagad ang hirap ng pagiging science section. Marami mang gawain,isang karangalan ang mapabilang sa Science Section. Marami mang proyekto ang kinaharap ko, naging masaya parin ako dahil sa mga kaklase kong nagpapasaya sa akin.


Nagfield trip ngayong  2nd year
Sobrang mahiyain ko sa room namin, kaya kakaunti pa lamang ang naging kaclose ko. Unang araw pa lang ng pasukan, natakot na ako dahil bagong mundo na naman ang papasukin ko at ibang tao na naman ang pakikisamahan ko. Pero hindi naman ako nahirapang makibagay sa kanila, dahil napaka palakaibigan ng mga naging kaklase ko. Hiyang-hiya lang talaga akong makipag-usap sa kanila dahil nga hindi ko pa sila kilala. Kaya nga siguro nagsimula na akong tumahimik. Palagi pa nga akong nakataklob ng panyo sa bibig ko kahit tumatawa ako.
Pero kahit sobrang tahimik ko, nagkaroon din naman ako ng “crush”. Nagkagusto ako sa isa kong kaklase . Na “love at first sight “ ata ako sa kanya dahil siya yung una kong napansin. Humanga na kaagad ako sa kanya, unang kita ko pa lang sa kanya. Hindi ko na nga lang siya nakausap kasi nga nahihiya ako sa kanya. Itinago ko na lang ang nararamdaman ko dahil may nililigawan siya. Kaya mas pinili ko na lamang na iisang tabi na lamang ang “love life” at pag-aaral na muna ng intindihin.





Nakaharap ko ang hirap sa pagiging Science Section. Maraming gawain at puro quiz. Pero kahit ganun, sinisikap ko parin na mapataas ang aking marka, manatili lamang sa Science Section. Habang tumatagal ay natututo narin akong makisama sa mga kaklase ko. Nawala narin ang panyong tumataklob sa bibig ko. Nagkaroon narin ako ng maraming kaibigan na nakakapagpasaya sa akin. Kaya nga siguro medyo dumaldal na ako, kasi halos lahat ng kaibigan ko ay masayahin.



Ngayong 2nd year ako, nakialam na sa buhay ko ang "love life". Nagkaroon ako ng inspirasyon sa pag-aaral. May lalaki akong minahal, itatago ko na lamang siya sa pangalang "Mr.P". Marami  mang pagsubok ang dumaan sa amin ay sabay namin itong nilulutas. Ang relasyon naming iyon ay alam ng mga magulang namin.Naging masaya naman kaming dalawa, dahil mahal namin ang isa't isa. Minahal ko siya ng buong puso ko, dahil siya ang lalaking matagal ko ng hinintay. Naging masaya ako, dahil naramdaman ko ang tunay na pag-ibig. Subalit hindi siguro kami ang para sa isa't isa. Natapos ang lahat ng dahil sa relihiyon niya. Malungkot man, tinanggap ko na kailangan na talaga niya akong iwan.  Kaya kailangan naming maghiwalay. Tumagal lang ang relasyon namin ng 2 months. Pero okey na siguro yun, hindi lang siguro siya ang lalaki para sa akin. Pero nagbago ang pagtingin ko sa lalaking iyon, nagkaroon kasi siya ng 2 girlfriend pagkatapos naming maghiwalay. Kaya nalaman ko na hindi talaga relihiyon ang dahilan ng pakikipaghiwalay niya.Pare-pareho lang naman ang relihiyon naming mga naging "gf" niya. Kaya naisip ko na talagang ginusto niya iyong gawin.Nagulat na lamang ako ng malaman ko na nakipagbalikan na pala siya sa "Ex" niya. Ang dating mabait at gentleman na lalaki na pinapantasya ko, nakita ko na ang tunay na ugali.


 Kaya pumalit na sa puso ko ang isa ko pang kaklase, si "Mr.M".  Mabait siya, matalino, at palagi niya akong napapatawa. Sa kanya ko nakita ang ugaling hinahanap ko sa isang lalaki. Kaya lang , sobrang "manhid". Hindi man lamang niya mapansin na may gusto ako sa kanya.Sa araw-araw na nakikita ko siya ay lalo akong nahuhulog sa kanya.Kahit maraming nagsasabi na "imba face" daw si Mr.M, marami paring dahilan para mahalin siya. Hindi ko nga lang talaga maamin sa kanya na mahal ko siya.




 Pero hindi naman naging hadlang ang mga bagay na iyan sa aking pag-aaral. Sinikap ko parin na mapagbuti ang pag-aaral ko , para hindi ako matanggal sa pangkat na aking kinabibilangan ngayon.

Hanggang dito na lamang ang talambuhay ko, pero tuloy-tuloy parin ang pagsisikap ko na magkaroon ng magandang buhay para sa paglaki ko. Patuloy ko ring mamahalin ang mga tao sa paligid ko para mas gumanda pa ang buhay ko na maibabahagi ko muli sa inyo.        

Sabado, Marso 3, 2012

Ang Cellphone at ang Laptop

Ang Cellphone at ang Laptop            
             Si Loraine ay isang batang babae na matalino at masipag mag-aral. Lumaki siya sa pangangalaga ng mapagmahal niyang ina. Kahit kapos sila sa pera, ay iginapang siya ng kanyang ina, makapag-aral lamang siya. Nag-aral naman ng mabuti si Loraine , masuklian lamang ang paghihirap na ginagawa ng kanyang ina. Sinikap niya na mapataas ang kanyang marka, para matuwa naman ang kanyang ina.
Laging may problema  si Loraine , dahil ang laging takdang- aralin niya ay mahahanap sa paggamit ng computer. Nais man niyang gawin ito, nahihirapan siya dahil wala silang computer at hindi siya gaanong marunong gumamit nito. Lagi rin siyang tinutukso ng mga kaklase niya dahil hindi nga siya marunong gumamit nito. Ngunit hindi ito naging hadlang para makapag-aral siya ng maayos.
Masaya  naman ang nanay  ni Loraine, dahil hindi naman humihiling ng kung anu-ano si Loraine sa kanya at isang mabait na bata si Loraine. Naaawa man siya kay Loraine , wala siyang magagawa dahil wala naman siyang pera para maibili ng ganun si Loraine. Naiinggit na lamang si Loraine sa mga kaklase niya na may mga cellphone at laptop. Pero kahit ipinagkait sa kanya ang mga kagamitang ito , nakamit naman niya ang taglay niyang katalinuhang nagagamit niya sa pag-aaral. Naging top siya sa klase at laging naipanlalaban sa mga kompetisyon.
Hindi man siya ganun kayaman, pinagmamalaki siya ng kanyang ina , dahil sa angking talino nito. Laging nag-uusap ang mga kaklase ni Loraine tungkol sa mga nangyayari sa “facebook” , ngunit nakikinig na lamang siya , dahil wala naman siyang alam dito. Hindi naman niya magawang humingi ng ganun kamahal sa kanyang ina, dahil alam niyang wala itong pera. Sinisikap na lamang niyang mag-aral ng mabuti upang hindi naman bumaba ang kanyang marka kung puro computer ang kailangan nila. Nakikigamit at nagpapaturo na lamang siya kay Jenny kapag sila ay may takdang-aralin. Si Jenny lamang ang nag-iisa sa klase na pinakikisamahan si Loraine. Ayaw kasing sumama ng mga kaklase nito kay Loraine dahil nga sa estado ng buhay nito. Matalik na magkaibigan si Loraine at Jenny. Kahit galing sa mayamang pamilya si Jenny, ay itinuturing niyang kaibigan si Loraine.
Isang araw habang natutulog si Loraine , ay may kumatok sa kanilang pintuan. Agad na bumangon si Loraine at tiningnan kung sinong nasa labas ng bahay. Nang mabuksan niya ang pintuan, ay may isang babae sa kanilang pintuan na may dalang isang kahon. Nagtaka na lamang si Loraine dahil ngayon lamang niya nakita ng babae. Agad niyang tinawag ang kanyang ina. Ngunit nang balikan na nila ang babae, ay nawala na ito. Natira na lamang ang isang kahon na dala kanina ng babae. Agad itong ipinasok sa loob ng kanilang bahay. Laking gulat na lamang nila  ng makita nila na ang isang laptop at cellphone. Masayang-masaya si Loraine dahil nakamit na niya ng matagal na niyang ninanais. Masaya rin ang kanyang ina, dahil nakita niya na may ngiti na sa labi ang kanyang anak. Nahiwagahan din siya dahil hindi nila kilala ang babaeng nag-iwan ng kahon sa kanilang bahay.
Kinaumagahan, agad itong dinala ni Loraine sa kanilang paaralan. Nagulat ang mga kaklase ni Loraine, dahil nagtaka sila kung bakit mayroong ganun kamahal na kagamitan si Loraine. Agad ding nagpaturo si Loraine kay Jenny kung paano iyon gamitin. Masaya si Jenny para kay Loraine dahil natupad narin ang kanyang nais. Nagagawa na ni Loraine ang kanyang takdang-aralin ng hindi na kailangan ng tulong ni Jenny. Nakakatext narin niya ang mga kaibigan niya . Masaya siya dahil nakakasabay na siya sa mga gawain ng tao sa paligid niya. Nakikipagchat na siya sa mga kaibigan niya at nagpopost  sa ”facebook”. Hindi na siya mahihirapang gumawa ng takdang-aralin , dahil marunong na siyang gumamit ng computer.
Pagdating sa bahay, imbis na ballpen ang hawak niya, kukunin na kaagad niya ang cellphone upang makipagtext. Sa halip na libro ang kaharap niya, laptop ang ginagamit niya at nakikipagchat.Hindi na makapag-aral si Loraine dahil sa mga kagamitang kanyang nawiwilihan. Hindi ito napapapnsin ng kanyang ina, dahil ang alam nito ay libangan lamang ito ng kanyang anak. Ngunit habang tulog si Loraine ay nagagawa palang magsalita ng cellphone at laptop niya.
Laptop: Cellphone, mukhang wala na tayong magandang naidudulot sa kanya.
Cellphone: Oo nga laptop, mukhang nawiwili na sa paggamit sa atin si Loraine, paano na ang pag-aaral niya?
Laptop: Oo nga, pagod narin ako , dahil lagi niya kong ginagamit, ayaw manlang niya akong pahingahin.
Cellphone: Ako din eh, Hirap na ako dahil lagi niya akong ginagamit.
Laptop: Naku cellphone, mukhang hindi na maganda itong nangyayari.
Cellphone: Oo nga, gagawa  na tayo ng paraan para maayos ito.
Kinaumagahan, nang makapasok na sa eswelahan ay nagulat siya sa nakita niya. Nakita niya sa “bulletin board” na wala na siya sa top 10. Hindi niya napansin  na bumaba ang kanyang marka dahil sa mga kagamitang kanyang nawilihan. Nang nalaman ito ng kanyang ina, nagalit ito. Sinabi nito na bumaba ang kanyang marka dahil sa laptop at cellphone na lagi niyang inuuna. Nagawa namang sumagot ni Loraine sa kanyang ina. Sinabi nito na hindi dapat sisihin ng kanyang ina ang mga kagamitan niya , dahil hindi naman ito nakakaapekto sa kaniyang pag-aaral. Agad naman itong nagkulong sa kwarto, at hinawakan na muli ang laptop at cellphone. Hindi manlang niya inisip ang tungkol sa pagbaba ng kanyang marka. Sadyang malaki na ang epekto nito sa pamumuhay ni Loraine. Ang dating matalino at mabait na bata, nawala na dahil sa kagamitang kanyang natanggap.
Cellphone: Laptop, nalaman mo na ba na wala na si Loraine sa top 10 ng paaralan nila?
Laptop: Oo naga eh, napabayaan na niya ng kanyang pag-aaral , lagi na niyang tinetext ang boyfriend niya.
Cellphone: Oo nga cellphone, lagi rin niyang kachat yung crush niya, at nagagawa pa niyang makipagkita dito.
Cellphone: Naku laptop, masama na ang nangyayari, hindi na maganda nag nangyayari kay Loraine.
Laptop: Kailangan na nating ang tulong ng ating pinuno.
Cellphone: Oo nga, tama ka !
Kinaumagahan, nang makapasok siya sa paaralan, ay pinag-uusapan siya ng mga kaklase niya . Sinasabi nila na napabayaan na ni Loraine ang kanyang pag-aaral dahil naadik daw ito. Hindi na lamang ito pinansin at nagawa na lamang na hawakan ang kanyang cellphone , upang itext ang kanyang boyfriend. Pagkaawas naman ni Loraine ay nakipagkita siya sa lalaking kanyang nakachat sa facebook. Nakikipagkita si Loraine at nagkakaroon ng boyfriend, ng hindi nalalaman ng kanyang ina. Nakamit man niya ang bagay na ninanais niya, ngunit nawala naman ang talinong meron siya. Naituon niya ang panahon at oras niya sa maga bagay na nais niyang gawin at makakapagpasaya sa kanya. Naisang tabi na niya ang pag-aaral at lumayo na sa daan upang makapagtapos ng pag-aaral at makamit ang kanyang pangarap.
Araw- araw , nakikita ng nanay ni Loraine ang mga pagbabagong nangyayari sa anak niya. Nais niyang ilayo ang laptop at cellphone kay Loraine, ngunit ayaw niyang ipagkait ang kaligayahan ng kanyang anak. Hindi naman niya inaasahan na ganoon kalaki nag epekto ng ang bagay na dati’y nais din niyang ipagkaloob sa kanyang anak. Wala  na lamang siyang magawa kundi pangaralan ang kanyang anak.
Isang araw, habang nagcocomputer si Loraine, ay biglang lumitaw ang babaeng nag-iwan ng laptop at cellphone sa kanilang pintuan. Nagulat si Loraine sa biglaang  pagpapakita nito.
Babae: Naaalala mo paba ako?
Loraine: Oo, ikaw ang nagbigay nitong laptop at cellphone sa akin.
Babae: Nakikita ko na wla ng magandang naidudulot nan sayo.
Bigla namang nagsalita ang laptop at ang cellphone.
Cellphone: Oo nga, tama siya, napapabayaan mo na ang pag-aaral mo.
Laptop: Tama! Hindi ka narin nakikinig sa nanay mo.
Cellphone:  Nagkaroon ka narin ng boyfriend ng dahil sa pakikipagtext mo.
Loraine: Teka, ano naming masama kung gawin ko yun? Natural, pagmamay-ari ko kayo, syempre, kailangan ko kayong gamitin.
Babae: Hindi na talaga maganda ang epekto nito sayo. Nagkamali ako sa desisyon ko na ipagkaloob itong lahat sayo.
Loraine: Ano yun? Binigay na, babawiin mo pa?
Babae: Nagawa ko lamang iyan na ipagkaloob sayo, dahil nakita ko na karapat dapat kang bigyan nan.Ngunit mali pala ako, nakasama lang yan sayo!
Loraine: Hindi, hindi mo sila kukunin sakin. Sakin lang sila!
Laptop at cellphone: Ayaw na naming sayo!
Bigla na lamang nawala ang babae , pati narin ang laptop at cellphone ni Loraine. Hindi makapaniwala si Loraine sa nangyari. Nawala pa ng kagamitang kanyang minamahal. Naisip na lamang niya ang lahat ng sinabi ng babae sa kanya. Tumulo na lamang ang luha niya sa pagkawala ng gamit niya.
Kinaumagahan, akala ni Loraine ay panaginip lamang ang nagyari noong gabi. Sinubukan niyang hanapin ang laptop at cellphone niya. Naisip na lamang niya na na talagang totoo  ang nangyari noong gabi. Nang makapasok na siya sa paaralan, tinatanong ng mga kaklase niya kung nasaan na ang laptop niya. Sinasabi na lamang niya na nasira ito.
Pagdating niya sa bahay, tinanong din siya ng nanay niya kung nasan na yung laptop at cellphone niya, ngunit pareho lamang siya ng isinagot. Habang nakahiga si Loraine ay nag-iisip siya. Bigla na lamang siyang napatayo sa kama at kinuha ang kanyang libro at nagbasa. Inilabas din niya ang kanyang kwaderno, at naggawa ng kanyang takdang-aralin. Naisip niya na kailangan niyang bumawi sa lahat ng maling nagawa niya. Gusto niyang ibalik ang dati niyang talino  at makamit muli ang pagiging top sa klase. Nanibago ang kanyang ina, dahil nakita niya ng pagbabagong nangayari kay Loraine.
Habang  dumadaan ang araw ay sinisipagan na ni Loraine na mag-aral. Pagkaraan ng ilang buwan , ay nakamit na muli ni Loraine ag pwesto niya sa pagiging 1st honor.
Nang makarating na Loraine sa kanilang bahay , ay inilabas niya ng kanyang libro upang magbasa. Bigla na lamang ulit lumitaw ng babaeng bumawi ng kanyang kagamitan.
Babae: Kamusta ka Loraine?
Loraine: Mabuti naman po.
Babae:  Nakita ko na nagbago kana at nabawi mo na ulit ang talinong taglay mo dati.
Loraine: Oo nga po eh. Sinikap ko ulit na mabawi ulit yun.
Babae:Kung bibigyan kita ng pagakakataong makuha muli ang laptop at cellphone , nanaisin mo pa ba itong makuha muli?
Nagulat si Loraine sa tanong ng babae. Nag-isip siya ng matagal at biglang na lamang ngumiti.
Loraine: Kung  ako po ang papipiliin, nais ko po sanang makasama muli ang cellphone at laptop na ipinagkaloob niyo dati. Ngunit kuntento na po ako sa kung anung meron ako ngayon. Mas mahalaga na po sa akin ang talinong tinataglay ko.
Babae: Nasiyahan ako sa naging desisyon mo. Humahanga ako sayo nagayon, dahil nalaman mo na ang tunay na mahalaga sa ating mundo.
Bigla na lamang naglaho ang babae. Narinig rin ni Loraine ang pagtawag ng kanyang ina.
Ina: Loraine! Loraine! , gising na!
Nagising na lamang si Loraine at nakita ang kanyang ina. Naisip na lamang ni Loraine na isang panaginip ang lahat ng nangyari.
Nang makapasok na si Loraine sa paaralan, nakita niya na gumagamit ng laptop at cellphone ang mga kaklase niya. Binulong na lamang niya sa sarli niya na “ Hindi ko yan kailangan, taglay ko ang talino at kasipagan, at wala ng mas hihigit pa dito” , at naupo na sa kanyang upuan.