Ang Cellphone at ang Laptop
Si Loraine ay isang
batang babae na matalino at masipag mag-aral. Lumaki siya sa pangangalaga ng
mapagmahal niyang ina. Kahit kapos sila sa pera, ay iginapang siya ng kanyang
ina, makapag-aral lamang siya. Nag-aral naman ng mabuti si Loraine , masuklian
lamang ang paghihirap na ginagawa ng kanyang ina. Sinikap niya na mapataas ang
kanyang marka, para matuwa naman ang kanyang ina.
Laging may problema
si Loraine , dahil ang laging takdang-
aralin niya ay mahahanap sa paggamit ng computer. Nais man niyang gawin ito,
nahihirapan siya dahil wala silang computer at hindi siya gaanong marunong
gumamit nito. Lagi rin siyang tinutukso ng mga kaklase niya dahil hindi nga
siya marunong gumamit nito. Ngunit hindi ito naging hadlang para makapag-aral
siya ng maayos.
Masaya naman ang nanay ni Loraine, dahil hindi naman humihiling ng
kung anu-ano si Loraine sa kanya at isang mabait na bata si Loraine. Naaawa man
siya kay Loraine , wala siyang magagawa dahil wala naman siyang pera para
maibili ng ganun si Loraine. Naiinggit na lamang si Loraine sa mga kaklase niya
na may mga cellphone at laptop. Pero kahit ipinagkait sa kanya ang mga
kagamitang ito , nakamit naman niya ang taglay niyang katalinuhang nagagamit
niya sa pag-aaral. Naging top siya sa klase at laging naipanlalaban sa mga
kompetisyon.
Hindi man siya
ganun kayaman, pinagmamalaki siya ng kanyang ina , dahil sa angking talino
nito. Laging nag-uusap ang mga kaklase ni Loraine tungkol sa mga nangyayari sa “facebook”
, ngunit nakikinig na lamang siya , dahil wala naman siyang alam dito. Hindi
naman niya magawang humingi ng ganun kamahal sa kanyang ina, dahil alam niyang
wala itong pera. Sinisikap na lamang niyang mag-aral ng mabuti upang hindi
naman bumaba ang kanyang marka kung puro computer ang kailangan nila.
Nakikigamit at nagpapaturo na lamang siya kay Jenny kapag sila ay may
takdang-aralin. Si Jenny lamang ang nag-iisa sa klase na pinakikisamahan si
Loraine. Ayaw kasing sumama ng mga kaklase nito kay Loraine dahil nga sa estado
ng buhay nito. Matalik na magkaibigan si Loraine at Jenny. Kahit galing sa
mayamang pamilya si Jenny, ay itinuturing niyang kaibigan si Loraine.
Isang araw
habang natutulog si Loraine , ay may kumatok sa kanilang pintuan. Agad na
bumangon si Loraine at tiningnan kung sinong nasa labas ng bahay. Nang mabuksan
niya ang pintuan, ay may isang babae sa kanilang pintuan na may dalang isang
kahon. Nagtaka na lamang si Loraine dahil ngayon lamang niya nakita ng babae.
Agad niyang tinawag ang kanyang ina. Ngunit nang balikan na nila ang babae, ay
nawala na ito. Natira na lamang ang isang kahon na dala kanina ng babae. Agad itong
ipinasok sa loob ng kanilang bahay. Laking gulat na lamang nila ng makita nila na ang isang laptop at
cellphone. Masayang-masaya si Loraine dahil nakamit na niya ng matagal na
niyang ninanais. Masaya rin ang kanyang ina, dahil nakita niya na may ngiti na
sa labi ang kanyang anak. Nahiwagahan din siya dahil hindi nila kilala ang
babaeng nag-iwan ng kahon sa kanilang bahay.
Kinaumagahan,
agad itong dinala ni Loraine sa kanilang paaralan. Nagulat ang mga kaklase ni
Loraine, dahil nagtaka sila kung bakit mayroong ganun kamahal na kagamitan si Loraine.
Agad ding nagpaturo si Loraine kay Jenny kung paano iyon gamitin. Masaya si
Jenny para kay Loraine dahil natupad narin ang kanyang nais. Nagagawa na ni
Loraine ang kanyang takdang-aralin ng hindi na kailangan ng tulong ni Jenny.
Nakakatext narin niya ang mga kaibigan niya . Masaya siya dahil nakakasabay na
siya sa mga gawain ng tao sa paligid niya. Nakikipagchat na siya sa mga
kaibigan niya at nagpopost sa ”facebook”.
Hindi na siya mahihirapang gumawa ng takdang-aralin , dahil marunong na siyang
gumamit ng computer.
Pagdating sa
bahay, imbis na ballpen ang hawak niya, kukunin na kaagad niya ang cellphone
upang makipagtext. Sa halip na libro ang kaharap niya, laptop ang ginagamit
niya at nakikipagchat.Hindi na makapag-aral si Loraine dahil sa mga kagamitang
kanyang nawiwilihan. Hindi ito napapapnsin ng kanyang ina, dahil ang alam nito
ay libangan lamang ito ng kanyang anak. Ngunit habang tulog si Loraine ay
nagagawa palang magsalita ng cellphone at laptop niya.
Laptop: Cellphone, mukhang wala
na tayong magandang naidudulot sa kanya.
Cellphone: Oo nga laptop, mukhang
nawiwili na sa paggamit sa atin si Loraine, paano na ang pag-aaral niya?
Laptop: Oo nga, pagod narin ako ,
dahil lagi niya kong ginagamit, ayaw manlang niya akong pahingahin.
Cellphone: Ako din eh, Hirap na
ako dahil lagi niya akong ginagamit.
Laptop: Naku cellphone, mukhang
hindi na maganda itong nangyayari.
Cellphone: Oo nga, gagawa na tayo ng paraan para maayos ito.
Kinaumagahan,
nang makapasok na sa eswelahan ay nagulat siya sa nakita niya. Nakita niya sa “bulletin
board” na wala na siya sa top 10. Hindi niya napansin na bumaba ang kanyang marka dahil sa mga
kagamitang kanyang nawilihan. Nang nalaman ito ng kanyang ina, nagalit ito.
Sinabi nito na bumaba ang kanyang marka dahil sa laptop at cellphone na lagi
niyang inuuna. Nagawa namang sumagot ni Loraine sa kanyang ina. Sinabi nito na
hindi dapat sisihin ng kanyang ina ang mga kagamitan niya , dahil hindi naman
ito nakakaapekto sa kaniyang pag-aaral. Agad naman itong nagkulong sa kwarto,
at hinawakan na muli ang laptop at cellphone. Hindi manlang niya inisip ang
tungkol sa pagbaba ng kanyang marka. Sadyang malaki na ang epekto nito sa
pamumuhay ni Loraine. Ang dating matalino at mabait na bata, nawala na dahil sa
kagamitang kanyang natanggap.
Cellphone: Laptop, nalaman mo na
ba na wala na si Loraine sa top 10 ng paaralan nila?
Laptop: Oo naga eh, napabayaan na
niya ng kanyang pag-aaral , lagi na niyang tinetext ang boyfriend niya.
Cellphone: Oo nga cellphone, lagi
rin niyang kachat yung crush niya, at nagagawa pa niyang makipagkita dito.
Cellphone: Naku laptop, masama na
ang nangyayari, hindi na maganda nag nangyayari kay Loraine.
Laptop: Kailangan na nating ang
tulong ng ating pinuno.
Cellphone: Oo nga, tama ka !
Kinaumagahan, nang
makapasok siya sa paaralan, ay pinag-uusapan siya ng mga kaklase niya .
Sinasabi nila na napabayaan na ni Loraine ang kanyang pag-aaral dahil naadik
daw ito. Hindi na lamang ito pinansin at nagawa na lamang na hawakan ang
kanyang cellphone , upang itext ang kanyang boyfriend. Pagkaawas naman ni
Loraine ay nakipagkita siya sa lalaking kanyang nakachat sa facebook.
Nakikipagkita si Loraine at nagkakaroon ng boyfriend, ng hindi nalalaman ng
kanyang ina. Nakamit man niya ang bagay na ninanais niya, ngunit nawala naman
ang talinong meron siya. Naituon niya ang panahon at oras niya sa maga bagay na
nais niyang gawin at makakapagpasaya sa kanya. Naisang tabi na niya ang
pag-aaral at lumayo na sa daan upang makapagtapos ng pag-aaral at makamit ang
kanyang pangarap.
Araw- araw ,
nakikita ng nanay ni Loraine ang mga pagbabagong nangyayari sa anak niya. Nais niyang
ilayo ang laptop at cellphone kay Loraine, ngunit ayaw niyang ipagkait ang
kaligayahan ng kanyang anak. Hindi naman niya inaasahan na ganoon kalaki nag
epekto ng ang bagay na dati’y nais din niyang ipagkaloob sa kanyang anak.
Wala na lamang siyang magawa kundi
pangaralan ang kanyang anak.
Isang araw, habang nagcocomputer
si Loraine, ay biglang lumitaw ang babaeng nag-iwan ng laptop at cellphone sa
kanilang pintuan. Nagulat si Loraine sa biglaang pagpapakita nito.
Babae: Naaalala mo paba ako?
Loraine: Oo, ikaw ang nagbigay
nitong laptop at cellphone sa akin.
Babae: Nakikita ko na wla ng
magandang naidudulot nan sayo.
Bigla namang nagsalita ang laptop
at ang cellphone.
Cellphone: Oo nga, tama siya,
napapabayaan mo na ang pag-aaral mo.
Laptop: Tama! Hindi ka narin
nakikinig sa nanay mo.
Cellphone: Nagkaroon ka narin ng boyfriend ng dahil sa
pakikipagtext mo.
Loraine: Teka, ano naming masama
kung gawin ko yun? Natural, pagmamay-ari ko kayo, syempre, kailangan ko kayong
gamitin.
Babae: Hindi na talaga maganda
ang epekto nito sayo. Nagkamali ako sa desisyon ko na ipagkaloob itong lahat
sayo.
Loraine: Ano yun? Binigay na,
babawiin mo pa?
Babae: Nagawa ko lamang iyan na
ipagkaloob sayo, dahil nakita ko na karapat dapat kang bigyan nan.Ngunit mali
pala ako, nakasama lang yan sayo!
Loraine: Hindi, hindi mo sila
kukunin sakin. Sakin lang sila!
Laptop at cellphone: Ayaw na naming
sayo!
Bigla na lamang
nawala ang babae , pati narin ang laptop at cellphone ni Loraine. Hindi
makapaniwala si Loraine sa nangyari. Nawala pa ng kagamitang kanyang minamahal.
Naisip na lamang niya ang lahat ng sinabi ng babae sa kanya. Tumulo na lamang
ang luha niya sa pagkawala ng gamit niya.
Kinaumagahan, akala
ni Loraine ay panaginip lamang ang nagyari noong gabi. Sinubukan niyang hanapin
ang laptop at cellphone niya. Naisip na lamang niya na na talagang totoo ang nangyari noong gabi. Nang makapasok na
siya sa paaralan, tinatanong ng mga kaklase niya kung nasaan na ang laptop
niya. Sinasabi na lamang niya na nasira ito.
Pagdating niya
sa bahay, tinanong din siya ng nanay niya kung nasan na yung laptop at
cellphone niya, ngunit pareho lamang siya ng isinagot. Habang nakahiga si
Loraine ay nag-iisip siya. Bigla na lamang siyang napatayo sa kama at kinuha
ang kanyang libro at nagbasa. Inilabas din niya ang kanyang kwaderno, at
naggawa ng kanyang takdang-aralin. Naisip niya na kailangan niyang bumawi sa
lahat ng maling nagawa niya. Gusto niyang ibalik ang dati niyang talino at makamit muli ang pagiging top sa klase. Nanibago
ang kanyang ina, dahil nakita niya ng pagbabagong nangayari kay Loraine.
Habang dumadaan ang araw ay sinisipagan na ni
Loraine na mag-aral. Pagkaraan ng ilang buwan , ay nakamit na muli ni Loraine
ag pwesto niya sa pagiging 1st honor.
Nang makarating
na Loraine sa kanilang bahay , ay inilabas niya ng kanyang libro upang magbasa.
Bigla na lamang ulit lumitaw ng babaeng bumawi ng kanyang kagamitan.
Babae: Kamusta ka Loraine?
Loraine: Mabuti naman po.
Babae: Nakita ko na nagbago kana at nabawi mo na ulit
ang talinong taglay mo dati.
Loraine: Oo nga po eh. Sinikap ko
ulit na mabawi ulit yun.
Nagulat si Loraine sa tanong ng
babae. Nag-isip siya ng matagal at biglang na lamang ngumiti.
Loraine: Kung ako po ang papipiliin, nais ko po sanang
makasama muli ang cellphone at laptop na ipinagkaloob niyo dati. Ngunit
kuntento na po ako sa kung anung meron ako ngayon. Mas mahalaga na po sa akin
ang talinong tinataglay ko.
Babae: Nasiyahan ako sa naging
desisyon mo. Humahanga ako sayo nagayon, dahil nalaman mo na ang tunay na
mahalaga sa ating mundo.
Bigla na lamang naglaho ang
babae. Narinig rin ni Loraine ang pagtawag ng kanyang ina.
Ina: Loraine! Loraine! , gising
na!
Nagising na
lamang si Loraine at nakita ang kanyang ina. Naisip na lamang ni Loraine na
isang panaginip ang lahat ng nangyari.
Nang makapasok
na si Loraine sa paaralan, nakita niya na gumagamit ng laptop at cellphone ang
mga kaklase niya. Binulong na lamang niya sa sarli niya na “ Hindi ko yan
kailangan, taglay ko ang talino at kasipagan, at wala ng mas hihigit pa dito” ,
at naupo na sa kanyang upuan.






Walang komento:
Mag-post ng isang Komento